Inaanyayahan ka naming sumali sa pag-aaral na isinasagawa ni Professor Cecilia Hyunjung Mo, guro sa Political Science Department ng University of California, Berkeley. Kusang-loob ang pagsali sa pag-aaral na ito.
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay para maunawaan ang proseso ng pag-recruit ng mga dayuhang worker at ang kanilang kalagayan sa trabaho sa Hong Kong. Tatagal ito ng hanggang 30 minuto. Tatanungin kayo tungkol sa mga aspeto ng buhay ng sambayanan at lipunan sa Hong Kong.
Maaaring hindi kayo komportable o mabahala kayo sa ilang mga katanungan. May posibilidad din na ma-kompromiso ang pagiging kumpidensyal dahil hindi ito garantisado kapag pinadala gamit ang internet. Gayunpaman, may mga hakbang kami para mabawasan ang peligrong ito.
Walang kaagarang benepisyo para sa iyo. Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa pagiintindi namin ang pangangalap sa dayuhang domestic worker at ang mga kalagayan sa trabaho sa Hong Kong.
Para sa inyong pagsali, makakatanggap kayo ng 50HKD ParkNShop coupon sa katapusan ng survey.